Huwebes, Nobyembre 17, 2016

Isang Pagbubuod sa "Mensahe ng Butil na Kape" Salin ni Willita A. Enrijo









Ang kwento ng "Mensahe ng Butil na Kape" ay ukol sa pagpapakita ng isang ama sa kanyang anak kung paano humaharap sa mga suliranin ng buhay ang mga tao. Ito ay matapos magreklamo ang kanyang anak sa trabaho nito sa pagsasaka, na wari'y hirap na hirap at pagod na pagod na sa ginagawa. Nagpahayag rin ang anak na hindi makatarungan ang kanyang buhay sapagkat tanging hirap lamang ang nararanasan niya. Dito na tinawag ng ama ang kanyang anak na lalaki patungo sa kusina.

Nagpakulo ang ama ng tubig, saka inilagay ang carot, itlog at ang butil ng kape. Unang inilagay ng ama ang carot, pangalawa ang itlog at pinakahuli ang butil ng kape.

Makalipas ang dalawampung minuto ay kumulo na ang tubig. Lumapit ang mag-ama sa palayok na inalisan na ng baga at pinag obserba an anak sa kung anong nangyari sa mga sangkap na kanyang pinakuluan.

 Mapapansin na ang carot mula sa pagiging matigas nito, ng madarang sa apoy ay lumambot din. Samantalang ang itlog na maselan at kailangang pakaingatan ng mapakuluan ay tumigas naman. At ang butil ng kape, bagamat natunaw sa mainit na tubig, ay kapansin pansing nagbogay ng kakaibang lasa sa tubig.

Matapos ang pag-oobserba ay ipinaliwanag ng ama na ang kumukulong tubig, sa realidad ng buhay, ay ang nagsisilbing mga hamon at problemang sumusubok sa katatagan ng tao. Samantalang ang carot, itlog at butil ng kape naman ay ang mga uri ng tao na humaharap sa mga pagsubok.

Makailang sandali ay tinanong ng ama ang kanyang anak kung saang klase ng tao ito nabibilang. Kapagdaka'y sumagot ang anak na siya'y magigin isang butil ng kape na kagaya ng kanyang mahal na ama.